Kamakailan lamang ay ibinida ng social media personality-aktres na si Toni Fowler ang paldo-paldong ₱500 at 1,000 bills na kinita umano sa kaniyang negosyong FAB cleansing mousse.

Marami raw kasing umookray sa kaniya na hindi raw mabenta ang kaniyang paninda.

Kaya ang ginawa niya, iflinex niya ang cash na umano'y kinita niya sa FAB cleansing mousse, sa pamamagitan ng TikTok video na naka-upload naman sa kaniyang Instagram. "Grinding All My Life" ni Nipsey Hussle ang background music nito.

Makikitang binilang-bilang ni Toni ang napakakapal na cash na naka-bundle pa batay sa halaga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

"Hindi daw mabenta FAB ko? Weh? 😂" caption ni Toni sa kaniyang post.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Dami nagugutom sa kalye baka gusto n'yo minsan paranas sa kanila makakain ng masarap!"

"Baka galing sa sugal?"

"Kita sa YT siyempre."

"Balik mo na yan sa hineraman mo. Hindi 'yan from sales."

"Hala sanaol, soon magpopost na din ako ng money ko pag successful na me😌."

"Sus! Kayabangan na yan!!

"Hinampas na naman ako ng kahirapan Mommy Oni."

"Ang yaman mo na talaga Mommy sana all ganyan karaming pera.

Samantala, pinasok na rin ni Toni ang mundo ng pag-arte. Napapanood siya sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo mula Lunes hanggang Biyernes, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iba pang online platforms ng ABS-CBN.