Hinangaan ng netizens ang socmed personality at motivational speaker na si Rendon Labador matapos ipagtanggol si Vice Ganda sa umano'y nagsasabing maarte at 'di raw dapat pinahiya ang magdyowang humablot sa kaniyang wig.

Kaya naman rumesbak ang motivational speaker at pinangaralan ang netizens na dapat igalang nila ang "personal space" ng mga artista.

Aniya, "Kayong mga tao 'di porket bumili kayo ng ticket sa isang concert o sa isang show, eh, parang nabili n'yo na ang mga artist. Pumunta ka doon para manood sa show hindi para manabunot ng tao. Paano kung panot 'yun, natanggal 'yung buhok niya, eh sira 'yung career niya.

"Hindi n'yo ba alam yung tinatawag na personal space? trespassing ka eh! Mayroon kasing tinatawag na personal space tayong mga tao na kapag nag-step over kayo doon magkaroon kami ng rights na protektahan din ang aming sarili," dagdag pa ni Rendon

Vice Ganda, kalmadong pinagsabihan ang nanabunot sa kaniya habang nasa venue ng concert sa Canada

Samantala, makikita naman sa kumakalat na video na mahinahong kinausap ni Vice ang magdyowang nabubunot sa kaniya sa concert. 

Idiin din ni Rendon na accountable ang bawat tao sa kanilang mga kilos at dapat alam din umano nila ang kanilang mga limits. Dagdag pa ng motivational speaker, ang kasikatan ngayon ni Unkabogable Star Vice Ganda ay pinaghirapan niya.

Aniya, "Dapat kayong mga tao, accountable kayo doon, alam n'yo din ang mga limits ninyo. Kasi si Vice hindi naman niya 'yan nakuha ng basta-basta. Pinaghirapan niya 'yung pangalan niya. Nagpaganda 'yan, nagprepare 'yan, para mabigyan kayo ng entertainment."