Kambal goals! Nag-share si Ben&Ben singer Paolo Benjamin Guico sa social media ng ‘before and after’ photos nila ng kakambal at kapwa vocalist na si Miguel Benjamin.

“Ready to conquer new heights with you,” mababasa sa caption ni Paolo.

Makikita ang dalawang larawan nila SA Dela Salle University kung saan kapwa sila nagtapos ng kolehiyo.

Nakalagay sa caption ni Paolo na ang first photo ay kinuhanan nang ga-graduate pa lamang si Miguel, na makikitang nakatoga pa, habang ang second photo naman ay sa kasalukuyan, kung saan kasal na ang kaniyang kambal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Ready to conquer new heights with you 🤘 (same caption as 7 years ago 😂),” saad ni Paolo sa kaniyang post.

“[P].s. nung unang post nito, gagraduate ka pa lang. Ngayon kasal ka na. Ambilis haha @miguelbenjamin_,” dagdag niya.

Matatandaang kinasal si Miguel Benjamin noong Pebrero kay Karelle Bulan.

BASAHIN: Miguel ng ‘Ben&Ben’, ikinasal na; umani ng reaksiyon sa netizens