Usap-usapan ngayon ang pag-flex ni Vivamax star AJ Raval sa litrato ng isang cute baby sa kaniyang Instagram story, na may text caption na "our baby Dio."

Walang ibang detalye tungkol sa cute na baby maliban sa naka-tag na mga account sa ibaba.

Ang IG accounts na iti-nag ni AJ ay kina Drizzy Ace Raval at Chrizia Henson.

Akusa ng netizens: AJ, nagpatanggal ng implants, di raw makapag-breastfeed

Screengrab mula sa IG ni AJ Raval

Matatandaang hindi mawala-wala ang tsikang may anak na sina AJ at boyfriend na si Aljur Abrenica.

Ilang beses na rin itong pinabulaanan ni AJ at panay pakita pa ng kaniyang tummy sa social media, lalo na sa TikTok.

Lalo pang nagatungan ang tsikang ito nang magpatanggal siya ng breast implants. Biro ng netizens, baka raw kaya nagpatanggal ay upang mas makapagpa-dede sa kaniyang anak, bagay na hindi naman kinukumpirma ni AJ.

Sino nga kaya ang baby na ito?