Nasaktan at naka-relate ang netizens, matapos aminin ng host at comedian na si Boobay na sinubukan niya noon na isalba ang eight-year relationship niya sa kaniyang ex-partner.

"Iyon ang masaklap, sinamahan mo sa hirap tapos noong naging okay na siya, iiwanan kana at hahanap ng iba," hirit ng netizen.

Ayon pa sa isang netizen, pinagplanuhan niyo umanong mabuti ang maging future n'yo kaso bigla ka umanong binura sa plano.

"Same situation, I was there during his difficult times. Full of promises but after na stable na siya nawala na ako bigla sa plano lol," sey ng isang netizen.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

"Kapag nag-abroad 'yung partner mo swerte mo na lang kung kayo parin hanggang sa huli daming ganyan eh," dagdag pa ng netizen.

Sang-ayon naman si Tito Boy na talagang mahirap na panatilihin ang isang relasyon kapag malayo kayo sa isa't isa.

Aniya, "Ang hirap kasi ng (sitwasyon)…'di lamang relasyon pati na rin ang LDR friendship o LDF."

Narito ang komento ng netizens:

"Baka iba na ang bet pagkatapos makapunta ng ibang bansa. Boobay, sobrang mabuti at talentado mo. Laban lang at be happy!"

"Through acceptance and the facts that nothing is permanent."

"It's true na may mga taong darating lang sa buhay natin para matuto at maaaring masaktan ka; bonus na lang kapag mag-stay sila for good."

"Sakit naman ng sitwasyon ni Boobay pagkatapos niya magsakripisyo para sa tao iiwan nalang porket stable na."