Mukhang hindi pa rin sanay ang mga netizen sa new look ngayon ni Vivamax star AJ Raval matapos niyang ipatanggal ang breast implants.

Marami ang nagsasabing nagmukha siyang "neneng" at biro pa nga ng iba, mukhang "nabudol" niya ang boyfriend na si Aljur Abrenica.

Nakakaloka ang dagsa ng mga komento sa mga litrato ni AJ sa tuwing magpo-post siya sa social media, matapos ang pagpapatanggal ng kemerut sa kaniyang dibdib!

Kagaya sa latest Instagram post niya kung saan flinex ng aktres ang kaniyang pet dogs habang nasa loob sila ng isang kotse.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narito ang ilan sa reaksiyon at komento ng netizens:

"AJ ba't wala ka ng dede?"

"Nagmukha siya lalo bunny sa itsura n'ya. Ang layo n'ya talaga sa ex-wife ni ex-husband. Mas fresh at napaka-sexy ni ex-wife ngayon hindi tulad nya dry na dry ang looks n'ya ngayon…"

"Your so hot… lalo kang nagmukhang bata."

May nagsabi pang, "Parang anak ka lang ni Aljur."

Sa kabilang banda, mga kapwa netizens na rin ang sumuweto sa kanila at nagsabing maghinay-hinay sa kanilang below the belt na komento.

"AJ sobrang ganda mo😍… don't mind the basher kasi ang papangit ng mga 'yan hindi 'yan masaya sa mga buhay nila… keep going AJ. You deserve love and happiness."

"Ang babastos ng mga tao… apaka perfect naman ninyo noh… kaya wala kayong mga asenso sa buhay kasi nakikialam kayo sa iba… before you judge other people, make sure na malinis kayo hui!"

"Ate yung baho muna ng bunganga mo ipa-doctor mo muna 'yan!"