Inabisuhan ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan na maaari silang magsuspindi ng face-to-face classes at lumipat sa modular distance learning kung matindi ang init ng panahon at walang kuryente.

Binanggit ni DepEd Spokesperson Michael Poa, alinsunod ito sa memorandum order na inisyu sa mga public at private school head noong Abril 20.

Sa naturang memo, ang mga paaralan ay may kapangyarihan at responsibilidad na suspindihin ang in-person classes at lumipat sa alternative delivery modes (ADM), sa panahon ng 'unfavorable weather and environment' na maaaring makaapekto sa pagdaraos ng classroom learning at maglalagay sa panganib sa kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral. 

“Iba-iba po kasi ang situation ng ating mga paaralan. Kaya school heads po ang magde-determine. Ayaw din po nating makaapekto sa kalusugan ng ating mga learners ang napakainit na panahon, sabi ni Poa nitong Sabado.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nitong Huwebes, ang heat index sa Dagupan, Pangasinan at sa NAIA, Pasay City, ay umabot sa 43 °C.

Nagbabala na rin ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas pa ng mas mainit na panahon ang bansa sa mga susunod na araw.