Pinuri ng isa sa mga resident "Trio Tagapayo" ng nagbabalik na "Face 2 Face" ang bagong host nitong si "Mama Karla Estrada" dahil sa lahat daw ng naging hosts ng programa, ito lamang daw ang nakita niyang umawat sa mga nagbabardagulan at nagkakasugurang panig.

Si Dra. Camille Garcia ay isa sa mga orihinal na bahagi ng Trio Tagapayo, na siyang nagbibigay-payo sa aspetong medikal, dahil siya ay isang clinical psychologist.

Pinuri ni Dra. Garcia ang bagong host dahil si Mama Karla lang daw ang bukod-tanging naging host nito na talagang hindi natakot na umawat sa mga nagkakainitang partido. Nakapag-taping na kasi sila ng ilang episodes kaya nakita na ni Dra. Garcia kung paano ang galawan ni Mama Karla, plus idagdag pa ang bago nitong mediator na si Alex Calleja.

"First time - nakita ko lahat ng hosts eh - and one thing nakita ko last time nag-taping kami was the fact that Mama Karla was one of the bravest mothers na nakita ko kasi siya lang yung nakita kong umawat."

'Trio Tagapayo' ng Face 2 Face, handa na sa on-air bardagulan

"Hindi pa ako nakakita ng umaawat na host. And I'm so happy na parang nagulat ako umawat talaga siya. Naroon ang tapang talaga. So 'yon, nakita ko na talagang iba yung host namin. Siguradong talagang ma-eenjoy namin."

Ang original hosts ng programa ay si Tyang Amy Perez, na pinalitan naman ni Ateng Gelli De Belen nang manganak ito.

Makakasama naman ni Dra. Garcia sa Trio Tagapayo sina Bro. Jun Banaag a.k.a. "Dr. Love" at Atty. Lorna Kapunan.