“Maligayang kaarawan to my bestfriend ♥️”

Isang sweet message at picture ang ishinare ni Kapamilya actress Dimples Romana para sa kaibigan niyang si Angel Locsin na nagdiriwang ng kaniyang 38th birthday nitong Linggo, Abril 23.

“Sa bestfriend kong Walang kaarte arte sa katawan, para sa lahat ng sakripisyo mo at tulong mo sa nakararami kasama na ang mga tao at pamilya [na] kailanman ay Di mo pa nakikilala, sa puso mong Walang pinipiling tulungan at mahalin, punuin sana ni Lord ng Saya lagi yan. Mahal kita lagi lagi ♥️ Dito lang kami ♥️,” mensahe ni Dimples kay Angel.

Sinabi rin ng aktres na malamang ay hindi naman mababasa ni Angel ang post niya kaya ikukwento na lamang umano niya ito kapag nagkita na ulit sila.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“At this point I’m not posting this para makita mo, I’m posting this para makita nila 🤣 At maipaalala sa kanila na kaarawan ng isa sa pinakamapagbigay, mabubuti at mapagmahal na tao ngayon ♥️,” ani Dimples.

Hinikayat din niya ang mga nagmamahal kay Angel na batiin ito sa kaniyang birthday.

“I know many of us love you, and so many of them you have helped, loved, saved and given to over the many years.”

“So if you are one of those please do greet my dearest @therealangellocsin a happy birthday today and say a prayer of love and celebration as she turns over another fruitful and sweet year of life! 🥰” ani Dimples sa supporters nila ni Angel.

“[M]ahal na mahal na mahal kita! @neil_arce paki-kiss sakin. See you soon! Love you both! 😉,” hirit pa ng aktres na pinatutungkulan naman ang asawa ni Angel.