Sa karugtong na panayam ni King of Talk Boy Abunda sa host at comedian na si Boobay, naitanong niya kung "emotionally stable" ba ang komedyante matapos ang naranasang heartbreak nito.

Dito na ikinuwento ni Boobay ang nangyari at inaming sinubukan niya umanong isalba ang walong taong relasyon niya sa kaniyang ex-partner.

"Itina-try ko pa rin siyang ilaban talaga kasi nga after naming mag-break, umuwi siya this year, nitong March lang, itina-try ko pa rin.

“Pumunta kami ng Palawan kasi nga para makipag-break na talaga, pero ang point kung bakit ako pumunta doon kasi baka nga sana ma-realize niya na puwede pa, 'di ba kasi meron kaming pangako sa isa't-isa before," sey ng komedyante.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Dagdag pa ng komedyante, umasa siya noon na matutupad pa ang usapan nila ng kaniyang ex-partner na magsasama sila sa Australia.

Aniya, “Kaya siya pumunta ng Australia before dahil kapag siya ay taga doon na, puwede na siyang pumunta doon anytime na gusto niya, susunod ako doon at doon na kami together. Siguro umasa kasi ako doon na baka matupad, pero hindi nga nangyari.”

Ayon pa kay Boobay, kahit tanggap na niya ang nangyari sa kanilang relasyon, nasasayangan pa rin siya sa walong taong pagsasama nila, kaya ngayon mas minabuti ni Boobay na maging kaibigan na lamang sila.

“But ayun nga sabi ko, kung hindi talaga kami magkakabalikan at least may ma-save kami kahit friends lang kami ganyan kasi sayang naman. We are friends today, okay naman kami,” saad ni Boobay.

Ibinahagi rin ni Boobay na nagkaroon na ng dalawang karelasyon ang kaniyang ex-partner sa Australia ngunit nauwi rin ito sa hiwalayan.