Sa latest vlog ni Kapuso star Bea Alonzo ay isa-isa niyang nireveal ang kuwento sa likod ng kaniyang mga pinag-usapang Instagram posts niya na pinamagatang "Behind the Gram."

"Good evening BEAutiful people! My team challenged me to share the behind the scene stories of some of the content I posted on my Instagram feed. Ano ba talaga ang nangyari behind these photos? Check it out!" saad ni Bea sa kaniyang caption.

Una niyang ibinahagi ang pinag-usapang mini reunion nila ng dating Star Magic head at ngayon ay Sparkle consultant Mr. Johnny Manahan, at mga dating co-stars sa ABS-CBN na sina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Jericho Rosales, at kaisa-isang bagets na si Kyle Echarri.

Sa mga dating taga-ABS-CBN naman na ngayon ay nasa GMA na, present sina Heart Evangelista, Maja Salvador, at kaniyang perennial loveteam na si John Lloyd Cruz.

Mag-ex na Heart at Echo, muling nagkita; Mr. M, nakipag-reunion sa mga alaga

Ani Bea, talagang biglaan ang kanilang pagkikita-kita upang ipagdiwang ang mga kaarawan nina Piolo at Mr. M noon pang Enero at Pebrero. Hindi raw kasi magtagpo ang mga schedule nila, at nang finally ay mag-swak na ang lahat, saka naganap ang reunion nila.

Isa raw sa mga napag-usapan nila ay ang posibilidad na makapagsama-sama sila sa isang pelikula.

Gayunpaman, masaya si Bea dahil muli silang nagkita-kita ng mga dating katrabaho sa ABS-CBN na nakasama niya sa kaniyang pag-grow bilang artista, lalo na si Diether Ocampo.

Masaya rin si Bea na naging instant close niya si Heart Evangelista.