Ngayong Earth Day, Abril 22, inanyayahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko at kapwa niya lingkod bayan na makiisa sa pagsasagawa ng mga aksyon upang malabanan umano ang climate change.

Sa kaniyang social media post, ipinahayag din ni Marcos ang kaniyang suporta sa mga programa at polisiya umano ng administrasyon para sa kalikasan.

“Ngayong Earth day, inaanyayahan natin ang publiko at kapwa nating lingkod bayan na makiisa sa pandaigdigang aksyon laban sa climate change,” ani Marcos.

“Nananatiling buo ang suporta ng ating administrasyon sa mga programa at polisiya para sa kalikasan. Para malaman ang mga ito, magtungo lamang sa Climate Change Commission PH,” dagdag niya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

‘Invest in our planet’ umano ang tema sa pagdiriwang ng Earth Day ngayong taon na naglalayong ipanawagan sa bawat bansa at indibidwal na bumuo ng isang mas malusog na ekonomiya habang tinitiyak din ang kapakanan ng kalikasan.