Ipinamalita ni Kapuso actress-TV host at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na nagdiwang sila ng monthsary ng jowang si Kapuso actor Jeric Gonzales sa paborito nilang karinderya sa España Boulevard, Sampaloc, Maynila.

Ibinida ni Rabiya sa TikTok ang pag-order niya ng paboritong lugaw habang si Jeric naman ay pares. Bukod dito, umorder din sila ng lumpiang toge at tokwa't baboy.

Makikitang sarap na sarap sa pagkain ang dalawa at nagsusubuan pa. Wala pa raw ₱200 ang nagasta ng mag-jowa sa kanilang mga kinain.

"Nagastos lang yata namin is ₱177 at kita n'yo naman guys busog na busog kami, enjoy na enjoy kami sa pagkain,” hirit ni Rabiya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi naman daw importante na sa mamahaling restaurant pa sila kumain; ang importante, kasama niya ang kaniyang "Right One."

"Simple things can be special when you have the right person in your life. Choose love!" sey pa ni Rabiya.