Good news para sa mga residente ng Navotas City na potensyal na nangangailangan ng chest x-ray!

Nag-aalok ang pamahalaang lungsod ng naturang eksaminasyon sa mga Navoteño na hindi bababa sa 15-anyos ang edad.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Tatlong health center sa naturang lungsod ang nakatakdang magbigay ng libreng x-ray simula Abril 24 at Abril 26 sa Tangos Health Center, Abril 27 sa San Roque Barangay Hall, at Abril 28 sa Daanghari Barangay Hall, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon.

First come, first served basis ang libreng serbisyo na mag-aakomoda lang ng nasa 200 slots bawat araw.

Hinikayat ng pamahalaang lungsod na lalong mag-avail ng eksaminasyon ang mga residenteng may close contact sa mga pasyenteng naggagamutan sa baga.

Maaring magpalista ang mga residente sa kanilang barangay o health center.

“Kung wala pa pong nakasaad na schedule sa inyong barangay, pakiantabayanan lamang ang kasunod na anunsyo,” abiso naman ng pamahalaang lungsod.

Katuwang ng Navotas City government ang Department of Health (DOH) at non-government organization na Phlippine Business for Social Progress sa naturang programa.