As usual ay usap-usapan na naman ang Kapuso star-socialite na si Heart Evangelista matapos niyang i-flex ang white net bag na gamit niya sa pag-grocery.

Makikita sa sukbit na white net bag ni Heart ang ilang grocery items gaya ng de lata at prutas.

"My grocery haul is a reflection of my cravings 😜," ani Heart habang ineendorso ang isang brand ng corned beef.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Subalit hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen ang white net bag na isang luxury brand---isang Chanel N°5 Mesh/Net/Beach white bag na limited edition.

Narito ang reaksiyon at komento ng mga netizen:

"Sinampal na naman po tayo ng kahirapan. Afford bilhin yung corned beef at prutas pero yung bag hindi."

"Naggo-grocery din ako pero hindi naman ako gumaganda ng ganyan. Siguro dapat meron din ako Chanel grocery bag."

"Yung totoo may eco bag na din ang Chanel? Sophisticated ever."

"Grocery pero make it fashown! chanel ang grocery bag 🥰 love it!"

"Kundi di rin lang Chanel ang lalagyan ng corned beef mo @toffeelicious salamat na lang sa lahat."