Nakikiusap na ang National Water Resources Board (NWRB) sa publiko na gamitin nang tama ang tubig dahil na rin sa nakaambang ElNiño.

Sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David, Jr., nasa 196.5 meters na ang water level sa Angat Dam, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila.

Nasa180 meters angminimum operating level ng dam, ayon sa opisyal.

Paliwanag ni David, dapat magtipid at gamitin nang tama ang tubig dahil posibleng maranasan ang ElNiño sa huling bahagi ng taon batay na rin sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang ElNiño ay nagdudulot ng below-normal rainfall na madalas na nagreresulta ng dry spells at tagtuyot.

Sa pagtaya ng PAGASA, magsisimula ang nasabing weather phenomenon sa third quarter ng 2023o pagitan ng Hulyo at Setyembre na tatagal hanggang sa 2024.