Laugh trip ang netizens sa bagong inilabas na advertisement ng isang sikat na brand ng softdrinks matapos itampok ang pagiging "Sharonian."

Oooppsss, pero teka, hindi ito ang tawag sa avid fans at supporters ni Megastar Sharon Cuneta, kundi kolokyal na tawag sa mga taong mahilig "mag-Sharon" o magbalot ng pagkain sa tuwing may pupuntahang handaan.

Sa naturang ads na naka-upload sa ">YouTube channel, makikitang inilabas ng nanay mula sa kaniyang bag ang kaniyang mga pasalubong para sa kaniyang asawa at anak, habang pumapailanlang ang awiting "Bituing Walang Ningning" na orihinal na inawit ni Mega.

Makikitang kagulat-gulat na inilabas ng nanay ang mga pagkaing ibinalot kasama ang kaldero't kawali, lechon, mga lobo, batang birthday celebrator, kumakantang mala-Sharon Cuneta at ang payaso na nagawa pang makikain sa kanilang hapag-kainan.

Sharon, na-ooffend nga ba kapag binabanggit ang pangalan sa handaan?

Siyempre, sa dulo inilabas ang bidang inumin.

Marami naman ang humanga sa kakaibang patalastas ng naturang brand, lalo't pinag-usapan din noon ang kakaibang konsepto ng kanilang advertisement.

Matatandaang nabanggit na ni Shawie sa panayam kay Ogie na hindi siya na-ooffend kapag ginagamit ang kaniyang pangalan bilang deskripsyon sa pagbabalot ng pagkain mula sa isang pagtitipon.