Muling inanyayahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya sa kanilang lotto games dahil milyun-milyong papremyo na naman ang naghihintay upang kanilang mapanalunan.

Batay sa jackpot estimates ng PCSO, papalo na sa mahigit ₱112 milyon ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na nakatakdang bolahin ngayong alas-9:00 ng gabi ng Biyernes, Abril 21, 2023.

Samantala, ang jackpot prize naman ng UltraLotto 6/58, na bobolahin rin ngayong Biyernes ng gabi, ay nasa ₱70 milyon.

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang UltraLotto 6/58 ay binubola naman tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya ng lotto, dahil sa halagang ₱20 lang ay may tiyansa ka nang magiging susunod na milyonaryo, at nakatulong ka pa sa mga kababayan nating nangangailangan.