Ibinahagi ng Kapuso comedian na si Boobay na maaari siyang makaranas ng mga pag-“hang” dulot umano ng kaniyang pagkaka-stroke noong 2016, ayon sa kaniyang doktor.

Kuwento ni Boobay, nag-hang din daw siya sa taping nila ng "The Boobayand Tekla Show" noong Miyerkules, Abril 19.

“Kahapon nagte-taping kami, bigla akong medyo nag-hang sa aming shoot sa The Boobay and Tekla Show siguro dahil sa ilaw din at the same time siguro medyo konti pa ang tulog ko noon, na maling-mali sa ginawa ko na dapat kailangan talaga bago ka pumunta sa isang trabaho hindi ka muna kukuha ng ibang trabaho pa...," saad ng komedyante.

Sinabi rin naman daw sa kaniya ng doktor na maaari talaga siyang makaranas ng pag-"hang" dahil sa kaniyang pagkaka-stroke noong Nobyembre 2016.

Boobay, naging unresponsive sa interview sa 'Fast Talk'

Aniya, “Sinabi naman ng doktor ko before na maaaring mag-hang ako and the best thing that you have to do is parang mag-stop ka lang and hayaan mong bumalik sa dati 'yung mga pag-ikot [ng sistema] mo.”

Hindi rin talaga raw nagpapahinga si Boobay dahil aniya ang pahinga na niya ang pagpapasaya ng mga tao kaya sunod-sunod din ang pagtanggap niya ng mga trabaho.

Paalala naman ni Boy sa komedyante, "But you have to take good care of yourself."

Matatandaang sa unang bahagi ng interview, biglang naging unresponsive si Boobay.