Sa latest episode ng Showbiz Now Na ni Cristy Fermin sa YouTube, sinabi niyang nabunutan umano ng tinik ang producer at TV host na si Willie Revillame, matapos iwan nito ang ALLTV na pagmamay-ari ni Manny Villar.

Ayon pa sa showbiz columnist, hindi umano kaya ng TV-host na gumawa ng "milagro" sa nasabing network dahil hindi ito magician at baguhan pa lamang ito sa paghawak at pagkontrol sa mga programa sa nasabing istasyon.

Aniya, “Yun nga ang sinasabi ng iba na nabunutan na siya sa wakas ng tinik. Kasi ang akala raw siguro kasi ni Willie na kaya niyang gawan ng milagro ang ALLTV, ang AMBS2, 'yung kunin siyang tagapamahala ng pamilya Villar."

"Napakalaki ng produksyon, malaki ang pangarap ng network na ito, kaya lamang kung ibubuntong na'tin kay Willie Revillame 'yung trabaho, hindi naman niya kakayanin, kasi wala siyang karanasan," dagdag pa ng columnist.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Suportado naman ng columnist ang desisyon ni Willie na magpakatotoo at magresign, dahil hindi niya umano talaga ito kakayanin.

"Yun lamang 'yung pag-resign ni Willie Revillame, 'yung pagsulat na hanggang doon na lamang siya, totoo 'yun nabunutan siya ng tinik," saad ni Cristy.

"Napatunayan niya sa kaniyang sarili na kapag walang back-up talaga ng buong network hindi mo kakayanin 'yung trabahong ipinagkatiwala sa'yo," dagdag pa niya.

Samantala, una nang idiin ng columnist na wala na umanong dapat na patunayan pa si Willie hinggil sa pagtanaw niya ng utang na loob sa kaibigan niyang si Manny Villar, dahil pinagbigyan na niya ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/04/04/willie-revillame-lalayas-na-raw-sa-alltv/