SUBIC, Zambales -- Arestado ang limang indibidwal sa loob ng isang drug den at nakumpiska ang humigit-kumulang₱103,500 halaga ng pinaghihinalaang shabu sa isang buy-bust operation nitong Biyernes ng madaling araw, Abril 21.

Kinilala ng PDEA Zambales ang mga naarestong suspek na sina Leonardo Baleros, Tiburcio Sujabo, Alma Herrera, Marvin de Guzman, at Jeffrey Apolinar.

Sa ulat, na-korner ang mga suspek bandang ala-1 ng madaling araw sa loob ng isang drug den sa Purok 5, Barangay Calapacuan.

Nasamsam sa kanila ang siyam na sachet na naglalaman ng hindi bababa sa 15 gramo ng umano'y shabu na may halagang₱103,500 at iba't ibang uri ng drug paraphernalia.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Mahaharapsa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.