Humingi na ng tawad ang social media personality na si Valentine Rosales kay Kapamilya rising star Belle Mariano matapos niyang sabihing hindi niya na-aapreciate ang byuti nito at mas nagagandahan pa sa kapwa Kapamilya star na si Francine Diaz.

"Ako lang ba di nakaka-appreciate ng beauty ni Belle Mariano? Di ako nagagandahan sa kaniya eh, sorry pero mas gusto ko pa itchura ni Francine..," aniya sa kaniyang tweet noong Semana Santa pa mandin.

Dahil dito, kinuyog si Valentine ng fans ng tambalang DonBelle at "naback-to-you."

Kaya naman, sa comment section mismo ng Balita ay nagbitiw ng paliwanag ang social media personality. Paliwanag niya, hindi naman niya sinabing pangit o hindi maganda si Belle. At sana raw, huwag pinapakialaman ng mga netizen ang kaniyang tweet dahil opinyon niya ito.

Valentine pumalag sa fans ni Belle: 'Di ko sinabing pangit siya!'

"Jusko mahal na araw. Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko di ko lang na appreciate yung beauty niya, porket di nagagandahan assume niyo pangit agad? Beauty is in the eye of the beholder maaaring maganda sa inyo sakin hindi sakto lang. Kanya kanya tayo ng taste! Twitter ko yun, I tweet what’s on my mind."

"Wag niyo ko mandohan ng gagawin ko dahil wala naman kayo ambag sa buhay ko, wala nga ako pekelam sa opinion niyo about sakin kaya wag kayo mangelam. We are all entitled to our own opinion," aniya.

Sa latest na panayam sa kaniya ni Ogie Diaz, humingi ng dispensa si Valentine kay Belle, kung sakaling mapapanood nito ang panayam sa kaniya ni Ogie.

Aminado naman si Valentine na nagkamali siya nang maikumpara si Francine kay Belle, subalit hindi naman daw niya sinasabing "pangit" o hindi maganda si Belle.

"If ever mapanood ito ni Belle (Mariano), if nao-offend ko siya, I want to apologize. You have your own beauty, may sarili kang kagandahan, mabait yung ugali mo… hindi lamang naman sa hitsura ng tao yung kagandahan, sa overall 'yan…" ani Valentine.

Wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo ni Belle Mariano tungkol dito.