Bet na maging ninang ng netizens ang beauty product CEO at social media personality na si Rosemarie ‘’Rosmar’’ Tan Pamulaklakin, matapos ang bonggang regalo nito sa kaibigan at inaanak na bagong kasal.

Bukod pa sa kalahating milyong peso, sinagot na rin ni Rosmar ang kanilang 10 days business class trip sa Hong Kong at Macau at espesyal na performance ni Gigi de Lana.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Aniya, "Ano daw regalo naming mag-asawa sa bagong kasal? Kalahating milyon + 10 days business class trip to Hong Kong and Macau para sa honeymoon nila, at special no. ni Gigi de Lana."

Labis naman ang tuwa ng kaniyang inaanak na si Sarah Ilustre Faustino dahil hindi niya umano ito inaasahan.

"Grabe! Kung anong meron po kami ngayon sobra-sobrang regalo na, kaya po sabi ko kahit 'wag na. Makita lang po namin kayo doon sobrang priceless na," pasasalamat ni Sairah kay Rosmar.

"Sana all" naman ang tugon ng netizens sa TikTok video ni Rosmar.