Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa natanggap nila ni Vice President Sara Duterte na mataas na approval at trust ratings sa pinakabagong survey na isinagawa ng OCTA.

“Karangalan ng administrasyong Marcos-Duterte na kayo’y paglingkuran sa abot ng aming makakaya kaya naman labis ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na suporta ,” saad ng pangulo sa kaniyang social media post nitong Huwebes, Abril 20.

Sa inilabas na resulta ng “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, nakatanggap si Marcos ng 80% performance rating at 83% trust rating.

Nakakuha naman si Duterte ng 84% performance rating at 87% trust rating.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

BASAHIN: PBBM, VP Sara, nakakuha ng mataas na approval, trust ratings – OCTA

Sina Marcos at Duterte ang mag-running mate noong nakaraang eleksyon, Mayo 2022, kung kailan sila nagwagi bilang Pangulo at Bise Presidente ng bansa.