Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez sa kanilang showbiz-oriented vlog na "Showbiz Now Na" ang tsikang naninirahan na lamang daw sa isang "room for rent" ang akres na si Liza Soberano.

Batay umano sa impormante ni Cristy, magkahiwalay na room for rent ang tinutuluyan ngayon ni Liza at ng manager na si James Reid.

Ipinarating daw ng mga kababayan sa Los Angeles na tumutuloy na lamang sila Liza sa isang lugar na kung tawagin ay "Korea Town."

Katumbas ito ng "Chinatown" dito sa Pilipinas.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa palagay naman ni Cristy, walang masama at hindi maituturing na krimen kung totoo man ito, lalo't kung talagang nagsisimula si Liza ng kaniyang kapalaran sa US.

Pero siyempre nga naman, hindi raw kasi nakaka-artista. Kumbaga, kung dito sa PIlipinas ay talaga namang itinuturing siyang star, pagdating sa Amerika ay talaga namang parang bumabalik sila sa "back to zero."

Well, wala rin namang masama, sabi nga rin ng tatlo, dahil masarap din naman talagang magsimula sa "simula" at "walang-wala," at mas praktikal nga naman ang kanilang ginawa lalo na kung hindi pa sila nakakakuha ng proyekto roon.