Naging malungkot ang ika-33 kaarawan ng actress-TV host na si Kim Chiu ito'y matapos isinugod sa ospital ang kaniyang napaka-supportive na panganay na kapatid na si Lakam Chiu.

Humingi naman ng paumanhin ang It's Showtime co-host sa lahat ng bumati sa kaniya, dahil hindi niya ito nasagot lahat.

Aniya, “Today is different. I wish it were different. Before today ends, I want to say Thank You for all your greetings and well wishes.

“Thank you for the flowers, cakes, and meaningful birthday messages you sent here online and personally. I’m sorry I couldn't answer all your messages. I appreciate you all so much. Salamat po," dagdag pa ni Kim.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Ayon pa sa aktres, kung may hihingin umano siyang regalo walang iba kung 'di ay dasal upang mabilis na gumaling ang kaniyang kapatid.

Aniya, “Kung may hihingin man akong regalo sa inyo ngayon 'yun ay prayers para sa Ate Lakam ko.

“Everything happened in a snap of a finger. She is my strength, and now the word strength becomes blurry. Please pray for her recovery," dagdag pa ng aktres.

Samantala, hindi naman binanggit ng aktres ang dahilan o sakit kung bakit naka-confine ang kaniyang Ate Lakam sa hindi pinangalanang ospital.