Nagpahayag ng pakikiramay si Japan Prime Minister Fumio Kishida sa naging pagpanaw ng kaibigan niyang si dating Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Albert del Rosario, ayon kay Japanese Ambassador to Manila Kazuhiko Koshikawa nitong Huwebes, Abril 20.

Sa twitter post ng ambassador, ibinahagi niyang nagpahayag ng pakikiramay si Kishida kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pagkamatay ni del Rosario.

“PM Kishida has been a good friend of Secretary Del Rosario since he was Foreign Minister,” ani Koshikawa.

Sa nauna nang tweet, pinasalamatan ng Japanese envoy si del Rosario sa naging kontribusyon umano nito sa ralasyon ng Pilipinas at Japan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“I extend my deepest condolences to the family and friends of former SFA Albert Del Rosario,” saad ni Koshikawa.

“His contributions to 🇵🇭🇯🇵 relationship as symbolized by the conferment of a Japanese Decoration last year and his leadership to uphold the rule of law in the sea will never been forgotten,” dagdag niya.

Nasawi si del Rosario noong Abril 18 sa edad na 83.

Naglingkod siya bilang top diplomat ng bansa mula 2011 hanggang 2016, kung saan siya humarap sa Arbitral Tribunal sa The Hague upang ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas, at dinala ang bansa sa legal na pagkapanalo sa West Philippine Sea laban sa China.