Naispatan ang mag-jowang Gerald Anderson at Julia Barretto na nasa audience seats at nanonood ng basketball sa AsiaBasket International Tournament na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

"JUST IN: @juliabarretto and @andersongeraldjr are in Malaysia watching the AsiaBasket International Tournament!" ayon sa caption ng Instagram post.

"Gerald Anderson will be one of the awardees (All-AsiaBasket Tournament 2nd Team) in the Awarding ceremonies later tonight."

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

At dahil nahagip sila ng camera, agad silang nilagyan ng puso sa screen hudyat na couple sila at hinihiritang mag-kiss.

Hindi naman binigo nina Gerald at Julia ang fans dahil kitang-kitang nag-smack kiss sila.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Gusto ko lang naman mag-IG bakit naman ganon."

"Hanggang sana ol na lang ba tayo neto? Hahaha."

"Parang ako yung naka-cap 🧢 ah tamang nood lang ng basketball tapos yung katabi mo bebetime."

"So cute I love them!"

"Gusto ko lang naman ma-update sana sa basketball eh.. 😩"