Binigyang-diin ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na pagdating sa kalusugan, kailangang maging handa ang mga Pilipino sa mga posibleng epekto ng El Niño.

Sa isinagawang press briefing kamakailan, binanggit ni Vergeire na nauugnay ang El Niño sa heat stress, heat exhaustion, at heat stroke. Kaya’t kailangan umanong uminom ng tubig at iwasan munang lumabas ng bahay kapag masyadong tirik ang araw o mainit ang panahon.

“Kung hindi maiiwasan [na lumabas], magdala ng payong or sombrero," ani Vergeire. "Kung kayo ay nakakaranas na ng sintomas, pumunta na agad at magpakonsulta sa ating pinakamalapit na healthcare facility.”

Isa rin umanong maaaring problema sa kalusugan ay ang mga kaso ng “food and waterborne illnesses” dahil sa kakulangan ng supply ng tubig.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Upang maiwasan ito, saad ni Vergeire, kinakailangang siguraduhin ng bawat isa na ligtas ang iniinom nilang tubig.

“Kung hindi po kayo sigurado sa pinagkukunan niyo ng tubig na maiinom, tayo po ay magpakulo ng ating tubig para ito ay maging ligtas sa organismo na maaring mag cause ng food and waterborne diseases,” aniya.

Kailangan din umanong siguraduhing natatakpan nang mabuti ang mga lalagyan ng tubig upang maiwasang “magkaroon breeding sites ng mga lamok”.

Kamakailan ay inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tumaas na sa 80% ang probabilidad ng pagkakaroon ng El Niño sa pagitan ng Hunyo at Agosto.

BASAHIN: Probabilidad ng pagsisimula ng El Niño sa third quarter ng taon, tumaas sa 80% – PAGASA