Dalawang matataas na opisyal ng pamahalaan ang nagbabalak umanong ipapatay si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves, Jr.

Sa isang television interview, tumangging ibunyag ng kongresista ang pagkakakilanlan ng dalawang high-ranking government official dahil sa takot na kasuhan siya ng libelo.

Ito aniya ang dahilan ng hindi nito pag-uwi sa Pilipinas. Nakuha aniya nito ang impormasyon sa isang tao na malapit sa kanya.

"Nung nag-order siya directly, dun siya nagkamali. Alam mo bakit? Nakalimutan nila lahat ng tao may kilala kahit saan eh. Walang usok na natatago. Nagle-leak 'yung impormasyon. Ang instruction niya, i-raid 'yung bahay ko, taniman, sabay may instruction pang latest. Huli ko nang nalaman na ang instruction pala, barilin ako diretso dun sa bahay ko, sabihing lumaban," anang kongresista.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nilinaw din nito na gustung-gusto na niya umuwi at napipigilan lamang umano ito ng banta sa kanyang buhay.

Si Teves ay isinasangkot sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo nitong nakaraang buwan.

Matatandaang pinagbabaril si Degamo sa compound nito sa Pamplona, Negros Oriental habang abala sa pamamahagi ng ayuda sa mahihirap na pamilya nitong Marso 4.

Bukod kay Degamo, napatay din sa insidente ang walong iba pa.