Matapos ang napaulat na kalmadong paninita ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa mag-jowang humila sa wig niya habang nakikitalamitam sa audience ng kaniyang concert sa Canada, bumaha naman ng "sorry" mula sa netizens at fans niya para sa ginawa ng dalawa.

"Don't do that, don't do that… That's very disrespectful. You don't do that. You have to say sorry to me. Don't do that, that's very rude. I'm trying to give you a wonderful time but don't hurt me. That's not right. We want to be friends here. Don't hurt me, 'di ba," sermon ng TV host-comedian.

Vice Ganda, kalmadong pinagsabihan ang nanabunot sa kaniya habang nasa venue ng concert sa Canada

Tila sumagot naman ang na-call out pero sadly, hindi narinig ang sinabi nito. Pero mukhang itinuro ng lalaki ang isang babae na kaniyang girlfriend.

"So, it’s your girlfriend? Both of you are rude," sey ni Vice Ganda.

Pagkatapos nito ay back to normal na ang lahat dahil naging light lang naman ang paninita ng komedyante.

Tila mga netizen na ang nahiya para sa ginawa ng mag-jowa kaya naman bumuhos ang apology ng mga netizen hinggil sa "rude behavior" at obviously, hindi rin nagustuhan ang ginawa ng mag-jowa. May mga nakapanood din sa concert na sila na lamang ang nag-apologize nang maayos para sa couple na nanggigil kay Vice.

"Kung parehong kapwa Pinoy yung magjowa na gumawa nun bakit pa sila nandun para manood or balak talaga nilang gawin yun kay vice. Nakakahiya sila dapat sa mga yun kinaladkad palabas ng venue."

"I’m sorry this happened to you meme @Vice Ganda you don’t deserve to be treated that way."

"I was there… This was such an awkward moment but I’m glad Vice called them out. That was so uncalled for."

"Kahit sino naman siguro ayaw nang ginagalaw ang buhok."

"Ansakit nun nakadikit yun eh.. Ambait pa nga nya magsalita eh.. Pero wag ganun masakit talaga yun.."

"The guys was smiling while Vice talking to him come on now if you don’t like Vice don’t go to the show lol 😂 be respectful pare."

"Sorry Meme, kami na humihingi ng dispensa sa ginawa nila. Boundaries naman people, boundaries…"

Samantala, hindi pa sigurado kung personal na humingi ng tawad ang dalawa kay Vice matapos ang concert, o kung nagtungo ba silang dalawa sa back stage upang personal na mag-apologize.