Usap-usapan ngayon ang pagbabahagi ni Rachel Carrasco sa litrato ng bonding moments nila ng rumored partner at business magnate Victor Consunji kasama ang kaniyang baby at ang anak nina Victor at Maggie Wilson na si Connor.

Makikita sa IG stories ni Rachel ang litrato nilang apat habang nasa isang swimming pool.

Screengrab mula sa IG story ni Rachel Carrasco

Maggie Wilson nag-react sa latest update kina Victor Consunji, Rachel Carrasco

Sa isa pang litrato, makikitang pinapa-dede ni Connor sa pamamagitan ng feeding bottle ang baby.

Screengrab mula sa IG story ni Rachel Carrasco

Matatandaang inirereklamo ni Maggie ang pagbabawal sa kaniya ni Victor na makita ang kaniyang anak, lalo na noong 10th birthday nito.

Kahapon, Abril 18, napaulat naman ang pagbibigay-reaksiyon ni Maggie sa iflinex na litrato ni Victor kasama si Rachel at ang baby.

Saad ni Maggie, "Still not annulled," "Still no communication," "Still have an adultery charge," "Still getting demands everyday," at "Still blocked from seeing my son."

Ibinahagi rin ni Maggie ang naging sagot naman ng kaniyang special friend na si Tim Connor tungkol sa pagiging kalmado nito sa kabila ng mga nangyayaring "craziness" sa kanila.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o cryptic post ni Maggie tungkol sa panibagong flex ni rachel, this time, kasama ang anak na si Connor.