Positibo si Philippine Sports Commission (PSC) Richard Bachmann na mas maraming atleta ang makakasungkit ng mga medalya sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Kumpiyansa si Bachmann na magiging maganda ang performance ng mga Filipino athletes sa darating na SEA Games na magsisimula sa Mayo 21.

"If you look at some of the sports who have been training abroad or going to events abroad, they’ve been winning so hopefully that will carry over to Southeast Asian Cambodia," ani Bachmann habang ipinagmamalaking inilalarawan ang kahanga-hangang stint sa iba't ibang mga kumpetisyon at training camp ng national team.

Binigyang-diin din ng PSC chair ang mahigpit na pagsusumikap ng mga atleta dahil hindi magiging madali ang mga laban para makakuha ng mga medalya.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Ang koponan ng Pilipinas ay magba-banner ngayong taon ng 905 atleta sa 38 sports at 608 na kaganapan sa Cambodia.

Matatandaang puwesto ng ikapaat ang bansa noong nakaraang taon sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam at nagtapos nang may 227 medalya: 52 ginto, 70 pilak, at 105 tanso.