Excited na ang mga tagahanga nina Kaye Abad at John Lloyd Cruz na muli silang makitang magkasama on-screen dahil guest ang una sa sitcom ni Lloydie na "Happy ToGeTher" na napapanood sa GMA Network.

Ibinahagi mismo ni Kaye sa kaniyang Instagram story ang litrato nila ng dating katambal sa ABS-CBN, bago pa man pumutok nang husto ang tambalang JLC at Bea Alonzo.

“Abangan…” text caption ni Kaye sa saliw ng awiting Tabing-Ilog, na pamagat din ng youth-oriented drama show noong 90s sa ABS-CBN na kanilang pinagbidahan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaye Abad at John Lloyd Cruz (Larawan mula sa IG)

Kasama pa nila rito sina Paolo Contis, Baron Geisler, Patrick Garcia, Paula Peralejo, at Jodi Sta. Maria.

Mukhang ito ang unang beses na mapapanood si Kaye sa Kapuso Network matapos ang mahabang panahong pamamahinga sa showbiz.

Sa ngayon ay happily married si Kaye kay dating Pinoy Big Brother housemate at negosyanteng si Paul Jake Castillo.