Bukod kina Jack Logan at Bryanboy, isa pa sa mga content creator na nagbigay na rin ng reaksiyon sa "motivational rice" ni Rendon Labador ay ang Australian-British medical doctor na si Doc Adam Smith.
Ani Doc Adam, hindi niya ma-gets kung paano nakaka-motivate ang 100 pisong takal ng kanin sa sports resto bar nito.
"I don't understand this Rendon Labador Rice thing? Why is spending 100 pesos on Rice Motivational? Surely it's Stupid to waste money on something that's cheaper elsewhere? I don't get it," ani Doc Adam.
Dagdag pa niya, "Is he saying I should be motivated to be rich enough to waste money on rice? Surely that's a really weird thing to be motivated to do."
Sa bukod na Facebook post, tila naunawaan na raw ni Doc Adam kung bakit naging motivational rice ang tindang kanin ni Rendon sa kaniyang resto bar.
"Rendon sa wakas naintindihan ko kung bakit mahal ang rice mo, sinusubukan mo ayusin ang diabetes and obesity sa Philippines, salamat sa sacrifice mo, ikaw lang ang puwede lunasan ito, thanks for the motivation."
Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Rendon tungkol dito.
Hindi ito ang unang beses na nagpatutsada si Doc Adam kay Rendon.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/02/rendon-doc-adam-nagkasagutan-nagpatutsadahan-sa-socmed/">https://balita.net.ph/2022/11/02/rendon-doc-adam-nagkasagutan-nagpatutsadahan-sa-socmed/