Nag-alay ng bulaklak si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala sa monumento ng bayaning si Dr. Jose Rizal sa Luneta Park sa Maynila nitong Martes, Abril 18.

Ito ay bago matapos ang kaniyang dalawang araw na pagbisita sa bansa ni Fiala na dumating Linggo ng gabi, Abril 16.

BASAHIN: Czech Republic PM, dumating na sa Manila para sa official visit

Sa kaniyang Twitter post, ibinahagi ni Fiala na may matibay na ugnayan si Rizal sa kanilang bansa dahil malapit na kaibigan ng bayani ang high school professor noon ng Litoměřice sa Czech Republic na si Ferdinand Blumentritt.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“The fences that are part of the walls in Litoměřice are named after Rizal, and he also has a bust in the hall of the Czech National Bank,” saad niya.

Inilarawan din ng prime minister si Rizal bilang isang mahalagang manunulat, doktor at isang simbolo ng pakikibaka ng Pilipinas para sa kalayaan.

Ayon pa kay Fiala, dahil kay Rizal ay mas matagal na ang koneksyon ng Pilipinas sa Czech Republic sa kabila ng pagdiriwang lamang ng ika-50 anibersaryo ng kanilang diplomatikong relasyon sa Oktubre 5.

Bukod sa pagiging kaibigan ni Rizal, nakilala rin si Blumentritt bilang naging tagapagtaguyod ng kalayaan ng Pilipinas at nagpahayag ng suporta para sa kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa.

Samantala, isiniwalat naman ni Fiala nitong Lunes, Abril 17, na tinitingnan nila ngayon ang posibilidad na buksan ang Czech Republic para sa Pinoy migrant workers.

BASAHIN: PM Fiala, tinitingnan ang pagtanggap ng Pinoy workers sa Czech Republic

Umalis ng bansa ang prime minister nitong Martes ng tanghali mula sa Villamor Airbase sa Pasay City upang ipagpatuloy umano ang kaniyang 10-day Asian Tour.