Sa latest episode ng Showbiz Now Na ni Cristy Fermin sa YouTube, sinabi niyang hindi umano siya naniniwala sa kumakalat na balitang "tatanggalin" umano sa longest-running noontime show na Eat Bulaga ang host na si Paolo Ballesteros.

Ayon pa sa showbiz columnist, malaki umano ang naiambag ng Team JoWaPao o tambalang Jose, Wally, at Paolo. Idiin din niyang ang tatlong komedyante ang tumulong sa pagpapataas ng ratings ng nasabing noontime variety show.

Aniya, “Yun ang umiikot na balitang tatanggalin daw si Paolo Ballesteros. Wala akong nakikitang dahilan para tanggalin si Paolo."

"Yung JoWaPao, napakalaking milagro ang ginawa sa Eat Bulaga, lalo na sa panahon ng Aldub, umaaming nananghalian ang mga Pilipino noon para makatutok lang. Ang JoWaPao talaga napakalaking isinulong sa rating ng Eat Bulaga. Sana naman si Paolo hindi mapa-iba," dagdag pa ng columnist.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ikinuwento rin ni Cristy na kung magbabawas man ng mga talent sa Eat Bulaga sigurado siyang ang host at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza, dahil noon pa man daw ay nagpaalam na si Maine sa paghahanda sa kanilang kasal ni Arjo Atayde.

Aniya, "Ang alam ko na positibo ako sa paniniwala ay si Maine Mendoza. Kasi alam naman nating preparasyon ito sa kaniyang pagpapakasal at pagpapamilya. Noon pa naman sinabi niya na ito, wala pa ang kaguluhan sa Eat Bulaga."