Ibinahagi ng Sex Goddess of Philippine Movies na si Alma Moreno sa Fast Talk with Boy Abunda, na ayaw niya nang magpakasal muli dahil hindi umano siya suwerte sa love life.

Ayon pa sa aktres, kuntento na siya sa mga taong nakapaligid sa kaniya at masaya na rin siya sa pagtulong niya ng walang kapalit.

"Will you marry again?," tanong ni Tito Boy.

"No," deretsahang sagot ng aktres.

National

Hontiveros sa pagsailalim kay Guo sa PNP custody: 'Napaka-iregular ng mga nangyayari'

"Parang wala namang suwerte kuya Boy. Sabi nga nila sa akin, sa career okay. Pero pagdating sa love, Kuya Boy, siguro hindi ako suwerte," dagdag pa ng sexy star.

“Pero sa akin, happy ako dahil suwerte ako mga tao at sa pamilya ko nandiyan, ang pamilya ko Tambo, like Alma Cares nandiyan.

Naging ano ako eh, ‘yung tumutulong ako ng walang kapalit, kaligayahan ko ‘yon Kuya Boy,” saad ng aktres.

"Ano ang pinaka-importateng leksiyon na natutunan mo sa pag-ibig? or Ano yung pinakamalaking mali mo kapag umibig?," sunod na tanong naman ni Tito Boy.

“Ang pinakamali ko Kuya Boy kapag umibig ako, is sobra. Naibibigay ko nang buo, lahat, minsan nakakalimutan ko na sarili ko,” sagot ni Alma.

Ayon pa sa aktres, wala umano siyang pinagsisihan sa mga naging karelasyon niya.

"Wala. Kasi Kuya boy, pinasok ko ‘yan, minahal ko ‘yung tao, ibinigay ko nang todo. Bakit ko pagsisisihan ‘yon?," sagot ng aktres

Nalulungkot naman ang aktres at sinabing nasaktan siya noon sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kaniyang dating trabaho.

Aniya, “Ang isang pinakamasakit, Kuya Boy, ‘yun bang tingin nila dahil sexy star ka o bold star ka, hanggang doon ka lang o nakakahon ka na lang doon. Kung hindi ka magse-sexy, d'yan ka lang. Gano’n ang tingin, ‘yun ang pinakamasakit.