Marami ang naunsyami at nalungkot na mga netizens sa naging asal ng magdyowang nanood sa concert ng Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda sa Edmonton Expo Center sa Canada.

Ang siste, sa video na ibinahagi ng netizens sa TikTok, sinabunutan daw si Vice habang siya ay naglalakad sa lugar kung nasaan ang mga audience.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Siyempre laking gulat nito na biglang may sumabunot o humila ng wig niya. Eh ang buhok pa naman o wig ni Vice eh malaking bagay sa buong buhay ng kaniyang showbiz career.

Kaya naman nasa audience si Vice malamang paraan na rin niya upang makaharap ng malapitan ang mga kapwa Pinoy na tumangkilik sa kaniyang concert.

Pigil at kalmadong hinarap ng komedyante ang sumabunot sa kaniya habang haplos-haplos ang kaniyang mahabang wig sa ulo. Ang mga tao nakatanghod sa eksenang nagaganap. Hindi ito pinalagpas ng komedyante-TV host.

"Don't do that, don't do that. That's very disrespectful. You don't do that. You have to say sorry to me. Don't do that, that's very rude. Yah, I'm trying to give you a wonderful time but you don't hurt me. That's not right. We want to be friends here. Don't hurt me, di ba."

Hiyawan sa pagka-sad ang mga tao lalo nang sabihin ni Vice na this guy is very rude. Napag-alaman pa niya na girlfriend yung kasama ng lalaki. Kaya hirit niya both of you are very rude.

Hindi naman magkamayaw kaka-video ang mga tao habang nagaganap ang pakikipag-usap ni Vice sa salarin ng pananabunot o paghila ng wig niya. Kaya naman ang mga tao nakatutok sa kanila.

Nakakahiya 'yon sa part ng nanabunot. Sabi pa nga ng isang netizen, masakit daw talaga ang hilain ang wig dahil nilalagyan daw ito ng pandikit sa balat. Naroon naman at nakaagapay ang mga security marshals habang pinagsasabihan ni Vice yung magdyowa at habang papunta siyang stage.

Samantala, yung iba dedma sa nangyayaring eksena dahil sinamantalang panakaw na nakikipag selfie sa Kapamilya comedian. Nasa utak nila, naroon na ang pagkakataon palalagpasin pa ba nila.

After ng pangyayaring iyon ramdam na agad ang kasiyahan ng mga tao dahil balik proper programming na ang concert ni Vice.