Pinusuan ng netizens ang latest Instagram post ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban matapos niyang ibida ang pagiging "padede mom" kay Baby Amila Sabine Homan.

Makikitang nakaupo si Angelica sa isang stroller at kalong naman ang junakis habang nagbe-breastfeed ito.

"Strike anywhere 🤱," sey ni Angge bilang pag-advertise sa isang stroller para talaga sa padede moms.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Malapit na kami mag-away ni Gregg kakapilit niya sakin na pwede ko upuan yung stroller para makapagpadede na ko. Di kasi ako makapaniwala 🤦🏻‍♀️ but yes, kinaya kami ng bebe."

Natutuwa ang netizens kay Angge lalo na ang mga nakasubaybay sa kaniyang pagiging child star hanggang sa maging award-winning actress at isa sa itinuturing na A-list artists ng Kapamilya Network.

Sa ngayon ay hindi pa sigurado kung kailan babalik sa showbiz limelight si Angge. Sa ngayon, nakatutok ang kaniyang atensyon sa baby nila ni Gregg, and deserve naman niya kung anong uri ng kasiyahan ang tinatamasa niya ngayon.