Ipinagdiwang nina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanilang 30th wedding anniversary o "Pearl Anniversary" na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at kaanak.

"30 years later and still over the moon that you chose me. Happy anniversary, my dearest Liza." matamis na mensahe ng pangulo sa kaniyang maybahay.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi ng pangulo ang muling pag-yes sa kaniya ng kabiyak.

"She said YES (again)! Celebrated our pearl anniversary with family and close friends— many of whom were present at our wedding in ‘93!"

"30 years later there is still no place I’d rather be and no person I’d rather be with. Liza, you will always be the girl of my dreams," aniya pa.

Ibinahagi pa ni PBBM ang sulat-kamay na wedding anniversary message niya sa esposa.

Bumaha naman ng pagbati para sa mag-asawa na mababasa sa comment section ng posts.