Isiniwalat ni Prime Minister Petr Fiala nitong Lunes, Abril 17, na tinitingnan nila ngayon ang posibilidad na buksan ang Czech Republic para sa Pinoy migrant workers.

Matapos ang bilateral meeting kasama si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ipinahayag ni Fiala na alam ng Czech Republic kung paano nagpapadala ang Pilipinas ng mga Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa.

“We also highly appreciate the Philippine system of the recruiting of workers for work in other countries,” ani Fiala.

“Czech companies are very satisfied with Philippine citizens. We are discussing the possibilities to expand migration for work."

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa Facebook post ng Philippine Embassy in Czech Republic, ibinahagi nito na mayroong mahigit 3,000 overseas Filipino workers (OFWs) doon, kung saan karamihan umano ay nasa ilalim ng Qualified Worker Program ng Economic Migration Scheme ng Czech Government.

Dumating ng Pilipinas si Fiala nitong Linggo ng gabi, Abril 16, para sa dalawang araw na official visit.

BASAHIN: Czech Republic PM, dumating na sa Manila para sa official visit