Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa paborito nilang lotto games.

Ayon sa PCSO, milyun-milyong jackpot prizes na naman ang maaari nilang mapanalunan sa tatlong lotto draws, na isasagawa dakong alas-9:00 ng gabi ngayong Martes, Abril 18, 2023.

Batay sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na aabot na sa higit ₱82 milyonang jackpot prize ng Lotto 6/42.

Nasa ₱66 milyon naman ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 habang ₱15.8 milyonang papremyong ipamimigay ng SuperLotto 6/49.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto, dahil sa halagang ₱20 lang ay may pagkakataong nang maging lotto millionaire, at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang UltraLotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Ang SuperLotto 6/49 ay may draw naman tuwing Martes, Huwebes at Linggo.