Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa pagpanaw ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Albert del Rosario nitong Martes, Abril 18, sa edad na 83.

Sa pahayag ni Marcos, nakikiisa umano siya sa pagluluksa kay del Rosario na tinawag niyang isang “honorable diplomat” at “esteemed public servant”.

"I extend my deepest sympathies to the family and loved ones of Secretary del Rosario, who was known for his patriotism and integrity," saad ni Marcos.

“We thank his deep commitment to our national interest and his unwavering devotion to our shared values,” dagdag niya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Naglingkod si del Rosario bilang top diplomat ng bansa mula 2011 hanggang 2016, kung saan humarap siya sa Arbitral Tribunal sa Hague upang ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas, at dinala ang bansa sa legal na pagkapanalo sa West Philippine Sea laban sa China.