Isa sa mga naitanong ni Kapuso star Bea Alonzo kay Nadine Lustre, sa kaniyang "lie detector test vlog," ay kung handa ba siyang maging ina in the near future.

Well, alam naman ng lahat na in a relationship si Nadine sa isang non-showbiz French guy at negosyanteng si Christophe Bariou.

Dahil sabi nga niya ay hindi siya sanay magsinungaling at napaka-honest niya, inamin ni Nadine ang puno't dulo ng dahilan kung bakit takot siyang magbuntis at magkaroon ng anak.

Takot kasi siya sa ideya ng panganganak.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

"First of all, takot akong manganak. Iyon talaga pinaka-reason ko kung bakit ayaw ko magkaroon ng kids na sarili," pag-amin ni Nadine.

Sa kabilang banda, mas gusto pa umano ni Nadine ang pag-adopt.

"Takot ako mabuntis, takot ako manganak… but then, ang dami kasing kids na walang parents. So, right now, parang my mind is set on adopting…" aniya.