Umani ng sari-saring reaksyon online ang viral video ng mag-asawa sa Malaysia kung saan isang bonggang luxury car ang regalo nila sa 5-anyos lang na anak na babae.

Sa serye ng mga TikTok video ng mag-asawang si Farhana Zahra at kaniyang asawa, una nang tinanong ito ang nais na regalo ng anak na si Fatima sa kaniyang kaarawan.

Dito na pinapili ng Malaysian couple ang anak ng parehong mamahaling sasakyan -- Mercedes G Wagon o BMW car -- na kalauna’y pinili ng bata ang una.

Sa araw ng kaniyang birthday at tila isang bonggang party, habang nakapiring si Fatima ay ni-reveal na ng mag-asawa ang Mercedes G Wagon ng anak.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa caption ng ina, sinabi nitong lubos na masaya raw ang kanyang anak sa nakuhang regalo. Bagaman hindi pa magagamit sa ngayon ang mamahaling sasakyan ay sana raw ay ma-inspire ang kanilang chikiting na mag-aral sa pangarap nitong pagdo-doktor.

Bagaman marami ang natuwa at namangha sa hindi pangkaraniwang regalo ng mga magulang para sa musmos pa lang na anak, ilang netizens naman ang may agam-agam dito.

“How materialistic has our society come to? What teachings would we be imparting to our next generation based on Islamic principles and guidance?” sey ng isang TikTok user.

“Then next time go work, must buy aeroplane?” pilyong segunda ng isa pa.

Milyun-milyong views ang inani na ng viral TikTok video sa pag-uulat.