Another first in "herstory" na naman ang ginawa ng nagwaging Best Actress in a Supporting Role ng kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival 2023 na si KaladKaren o Jervi Li sa tunay na buhay, matapos na maging kauna-unahang transgender woman na humalili kay Gretchen Fullido bilang Star Patroller sa flagship newscast ng ABS-CBN, ang TV Patrol.

Bago magsimula ang pagbato ng spiels, ipinakilala muna siya ng mismong TV Patrol news anchor at naging dahilan ng kaniyang pagsikat sa impersonation, na si Karen Davila.

Galing na mismo kay Karen, proud na proud siya kay KaladKaren dahil para daw siyang nananalamin; twin sisters na nga ang tawagan nila sa isa't isa.

Nang magpakawala na si KaladKaren ng spiels, bagay na bagay sa kaniya ang pagbabalita, at hirit pa nga ng netizens, puwedeng-puwede na niyang palitan si Karen kung sakaling mag-on leave ito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa kaniyang social media post ay todo ang saya ni KaladKaren sa panibagong karanasang ito, Achievement unlocked!

"MAMAAAA NASA TV PATROL PO AKO!!!!!!😭😭😭😭 Isang pangarap na naman ang natupad 😭😭😭 Salamat @tvpatrolph for making my dream come true! First transgender woman 'Celebrity Star Patroller' on TV Patrol and first trans woman to present segments in a Philippine primetime newscast. ❤️😭."

Marami naman sa kapwa celebrities at netizens ang nagre-request na sana raw ay maregular na siya sa TV Patrol.