Ibinahagi na ng programang American late-night talk show na ‘The Late Late Show With James Corden’ ang lineup para sa kanilang magiging huling episode.

“Just announced: @Harry_Styles and Will Ferrell will be the guests for our #LateLateShow finale on April 27!” anunsyo ng programa sa twiter kasama ang isang larawan ng mang-aawit at aktor na si Will Ferrell.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

https://twitter.com/latelateshow/status/1648008429460672512?s=20

Hindi man natupad ang hiling ng maraming fans sa One Direction reunion ay pumayag naman ang isang miyembro nito na si Harry– na matagal nang matalik na kaibigan ng host na si James.

Marami na ring naging segment si Harry sa show katulad ng Carpool Karaoke, sariling Crosswalk Concert, at isang nakakaaliw na low budget music video para sa isang kanta ng singer.

Binigyang linaw ng programa na walang katotohanan ang kumakalat na reunion umano ng limang miyembro ng One Direction.

“Nobody loves the boys more than us … but this story just isn’t true.”

Tungkol naman na si Will, isa siya sa mga unang naging guest nang si Corden ay pumalit noong Marso 2015.

Ang siyam na season ng programa ay nakatakdang matatapos sa gabi ng Abril 27. Isa rin si Tom Cruise pinag iisipan na magiging bahagi ng show bilang bahagi ng finale.

Nauna nang inihayag ni James noong Abril 2022 naaalis siya bilang host upang ituloy ang iba pang mga proyekto dahil hindi umano niya nakikita ang kaniyang buong karera sa hosting.

Dagdag pa niya, balak niyang magpahinga muna matapos ang walong taong sa programa at bumalik ng England para tumutok sa kaniyang pamilya.