Ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. nitong Martes, Abril 18, na sisiguruhin niya ang kaligtasan ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. kapag umuwi ito ng Pilpinas.

Isa si Teves sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

Tumangging bumalik ng bansa ang suspendidong mambabatas dahil umano sa takot para sa kaniyang buhay.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Sinabi naman ni Abalos na personal siyang magbabantay upang matiyak ang seguridad ni Teves sakaling magpasya siyang bumalik sa bansa.

Matatandaang umalis ng Pilipinas si Teves noong Pebrero 28 para sa stem cell treatment sa United States, at inaasahang bumalik noong Marso 9 dahil sa pagkapaso ng travel clearance niya na inisyu ng Kamara.

Hindi pa naman matukoy kung nasaang bansa si Teves sa kasalukuyan matapos umano siyang makita sa Camb

Hindi pa naman umano matukoy kung nasaang bansa ang kinaroroonan ni Teves.

BASAHIN: Kinaroroonan ni Teves, nananatiling ‘misteryo’

Samantala, inihayag din ni Abalos, bilang pinuno ng Special Task Force Degamo, na malapit nang matapos ang imbestigasyon sa pagpatay kay Degamo.

Nangako rin siyang matatamo ng pamilya ng mga biktima ang hustisya.

Matatandaang nasawi ang gobernador, at walo pang sibilyang nadamay, matapos siyang pagbabarilin ng armadong grupo sa harap ng bahay nito sa lungsod ng Pamplona habang nakikipag-usap sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!