Ibinahagi ng National Irrigation Administration (NIA) nitong Martes, Abril 18, na tinatayang ₱2 trilyon ang kakailanganin ng Pilipinas para umano sa humigit-kumulang 1.2 milyong ektarya ng mga lugar na maaaring gawing irigasyon sa bansa.

Sinabi ito ni NIA Acting Administrator Eduardo Guillen matapos ianunsyo kanina ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tumaas sa 80% ang probabilidad ng pagkakaroon ng El Niño.

BASAHIN: Probabilidad ng pagsisimula ng El Niño sa third quarter ng taon, tumaas sa 80% – PAGASA

Sa isinagawang media briefing, tinalakay ni Guillen na ₱2 trilyon nga kakailanganin ng bansa para mabawasan ang inaasahang hagupit ng El Niño. Gayunpaman, ₱200 bilyon kada taon lamang umano ang proposal nila upang madali raw itong makamit.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ayon din sa opisyal, inatasan na siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paikliin ang timeline para sa mga plano sa patubig ng bansa mula sa dapat na 80-taong timeline patungong 10 taon. Ngunit para magawa ito, mangangailangang umano ang NIA ng karagdagang budget na ₱100 bilyon kada taon.

Samantala, binawasan na raw ng ahensya ang requirement nito para sa irigasyon sa mga pananim. May posibilidad din umanong itaas ng NIA ang kinakailangang produksyon para sa mga rehiyong may mas maaliwalas na panahon tulad ng Mindanao.

Iminungkahi rin ng NIA sa DPWH na gawing water management projects ang flood control projects dahil ito umano ang pinakamagandang paraan upang makontrol ang pagbaha.